5/15/2006

Bapa

Si Bapa, isa sa mga respetado kong taong nakilala sa Mindanao - isang kaibigan, kasama sa trabaho at masasabing ama. Isang kahanga-hangang Maguindanaon at totoong Muslim. Minsan nagkayayaang kumain sa Jollibee sa Cotabato City, sabi nya, "saka na lang ako sasama pag nadala ko na ang misis ko doon." Wala na si Bapa... pero di ko sya malilimutan.