mga musikang atin
Ngayon ko naiisip, kailangan ko muling makinig sa mga musikang atin. Gusto kong marinig ang mga awit nila Grace Nono, Gary Granada, Joey Ayala, atbp. At syempre miss ko ang gimik sa MTS, uminom ng SMB sa Kanto at manood ng mga lokal na banda ng Davao. Paminsan-minsan maganda ring tumambay sa 'The Venue' at manood ng galaw ng mga tao. Naalala ko rin ang mainit na bulalo, sugba at kinilaw sa Times Beach, panga sa Luz Kinilaw, mongo o tinola sa karinderya sa gas station sa Bonifacio St., ampalaya con carne sa Mandarin, maasim na sawsawan sa Suka at Sili, lugaw at tokwa't baboy sa Dencia's, sugbang tilapia sa Calinan at ang chicken bbq sa Colasas. Simple lang ang buhay sa Davao, pero pwede mong sabayan ang mga burgis doon. Sagana sa pagkain, malinis ang paligid, sariwa ang hangin, marami pang puno at higit sa lahat -- tao pa ang mga tao doon.
<< Home