10/03/2005

Eagle's Bar, Marco Polo Davao

Isa sa mga high end bars sa Davao ang Eagle's Bar sa Marco Polo. Gusto ko ang acoustic design, choices ng kanilang music albums at isa sa mga unang may flat TVs. Mahal nga lang ang drinks at pagkain. Nakilala ko na rin ang ilan sa mga bartenders sa Eagle's noon. Nandoon pa kaya sila? Nadala ko na rin si Hannah dito. Siya na siguro ang pinakabatang nakapasok dito. Buhay pa noon si Oca ng NEDA at pilit na gustong kilikin si Hannah. Sabi ni Hannah -- "Dad, amoy beer sya." Masayang kasama si Oca, malakas ang boses at ang nananalaytay sa kanyang mga ugat ay alak. Teka, may beer kaya sa langit?

mga musikang atin

Ngayon ko naiisip, kailangan ko muling makinig sa mga musikang atin. Gusto kong marinig ang mga awit nila Grace Nono, Gary Granada, Joey Ayala, atbp. At syempre miss ko ang gimik sa MTS, uminom ng SMB sa Kanto at manood ng mga lokal na banda ng Davao. Paminsan-minsan maganda ring tumambay sa 'The Venue' at manood ng galaw ng mga tao. Naalala ko rin ang mainit na bulalo, sugba at kinilaw sa Times Beach, panga sa Luz Kinilaw, mongo o tinola sa karinderya sa gas station sa Bonifacio St., ampalaya con carne sa Mandarin, maasim na sawsawan sa Suka at Sili, lugaw at tokwa't baboy sa Dencia's, sugbang tilapia sa Calinan at ang chicken bbq sa Colasas. Simple lang ang buhay sa Davao, pero pwede mong sabayan ang mga burgis doon. Sagana sa pagkain, malinis ang paligid, sariwa ang hangin, marami pang puno at higit sa lahat -- tao pa ang mga tao doon.

back to the labor force

I started working last September 12. So I'm back to the labor force. I work in an automation unit in a federal government agency. Putsik! sa orientation, nanumpa ako sa saligang batas ng Estados Unidos. Sa saligang batas nga ng Pilipinas di pa ako nanumpa (liban sa panatang makabayan noong nasa elementarya pa lang ako) sa EU pa! Nagbabago talaga ang ihip ng hangin. Ang mga bagay na di mo akalaing magagawa mo e nagagawa mo. Ito ba yung sinasabi nilang 'pragmatic'? Ewan. [Di yata angkop ang pix sa post na ito, hehe. Wala lang, gusto ko lang alaskahin si Bush.] Sa unang paycheck ko, bumili ako ng libro. Treat ko ito sa sarili ko. CRUDE the story of oil by Sonia Shah. Basically tinatalakay nito ang political economy ng langis. The war in Iraq and the alledged restoration of its society into democracy being push by the Bush administration e usaping langis, ano pa nga ba?