11/18/2006

Pumapatak Ang Ulan, Yakap sa Dilim, Doo Bidoo
Una kong narinig ang mga kantang ito nang binahagi sa akin ng kaibigan kong si Marie ang mga ito mula sa orihinal na album. Masarap pakinggan at sabayan ng indak ang mga bagong rendisyon ng mga piling kanta ng APO Hiking Society. Papunta-parito si Marie dito sa US taon-taon. Sa huling punta nya dito, mapayapang pumanaw ang kanyang tatay nito lang a-11 ng Nobyembre - Veteran's Day. Ewan kung kailan ulit makakabalik si Marie dito, kung hindi man sa susunod na taon, baka sa nalalapit na panahon. Samantala, pakikinggan ko at papanoorin ang mga kantang ito. Pampalisan ng lungkot sa kaibigang malayo.