11/18/2006

Drip - Kabilugan ng Buwan (APO TRIBUTE)
Bakit mas malaki ang buwan dito sa US keysa sa Pinas?
Moonstar 88 - Panalangin (APO TRIBUTE)
Ito pa ang isang rendisyon ng kantang Panalangin. May ilan din akong panalangin...para sa mga mahal ko sa buhay, para sa aking mga kaibigan, para sa mundo...
Pumapatak Ang Ulan, Yakap sa Dilim, Doo Bidoo
Una kong narinig ang mga kantang ito nang binahagi sa akin ng kaibigan kong si Marie ang mga ito mula sa orihinal na album. Masarap pakinggan at sabayan ng indak ang mga bagong rendisyon ng mga piling kanta ng APO Hiking Society. Papunta-parito si Marie dito sa US taon-taon. Sa huling punta nya dito, mapayapang pumanaw ang kanyang tatay nito lang a-11 ng Nobyembre - Veteran's Day. Ewan kung kailan ulit makakabalik si Marie dito, kung hindi man sa susunod na taon, baka sa nalalapit na panahon. Samantala, pakikinggan ko at papanoorin ang mga kantang ito. Pampalisan ng lungkot sa kaibigang malayo.