8/31/2005


langyaw sa mindanaw at ang aking mag-ina, si Anne at Bai Hannah

Jazz

una kong hinanap ang FM jazz station dito sa LA nang dumating ako noong 2003. sa pakikinig ko ng jazz, nakakatulong ito sa aking pag-iisip. noong nasa Mindanao ako, ang Citylite ang FM jazz station ko, broadcast sa Davao sabay rebroadcast sa Cotabato City. ang format ng 94.7 the wave ay tulad ng Citylite. binabagtas talaga ng musika ang mundo...
naalala ko si Paring Bert, sabi nya, "Hindi lahat ng taga-Mindanao ay tubong Mindanao, o maka-Mindanao. Pero may tubong-Mindanao na hindi maka-Mindanao. Mas nanaisin ko pang kahit hindi ako tubong-Mindanao basta't maka-Mindanao. At mas mainam kong ikaw ay taga-Mindanao na maka-Mindanao."

Right Place at a Right Time?

it's 2:51 in the morning, LA time. experimenting in creating this blog. sabog pa ang mga ideya, wala pang framework (o kailangan pa nga ba?). una kong naisip -- Langyaw sa Mindanaw, blog na maglalaman ng mga pagtatasa ko at paglalagom sa mga karanasan ko sa Mindanao. ewan ano ang magiging itsura...